EXPERIENCE OF HAVING A SMALL BUSINESS WHILE STILL A STUDENTS
- pushtostart
- Oct 24, 2019
- 2 min read
May napanood o nabasa ako na studyante palang ay kaylangan na nyang mag isip ng gagawin para malatulong sya sa kanyang pamilya. Nahihirapan sya kung pano sya makakatulong sa pamilya nya at pano nya matutulungan ang pag aaral nya. Nag hanap sya ng iba't ibang paraan kung paano sya makakatulong namasukan sya lahat ginawa nya. So na paisip naman sya na what if i-try ko na mag business kahit maliit lang. So ayun nga nag try sya nung una syempre nag try syang magbenta ng graham balls. Kumikita naman sya ng maganda nakatulong pa at sa school sya nagbenta dahil tinutulungan den sya ng mga classmates nya na maibenta yung binibenta nya. Marami ang napunta ng kinita nya. Nagamit nya sa school. Nakatulong den sya sa pamilya nya.
Nag try try sya ng iba't ibang negosyo na naaayon sa panahon. Halimbawa nalang ng pag bebenta ng halo halo pag summer at kung ano ano pa. Syempre kung may panahon na maganda yung benta nya may panahon den na hindi nabebenta ito. Meron pa ngang time na nasayang yung ginawa nya dahil hindi nya naibenta iyon. May time den na hindi na nya naisipan pang mag benta uli dahil sa mga nangyareng problema. Pero nag try sya uli kahit na alam nyang mahihirapan syang magbenta pa. Nag try syang magbenta ng ice candy na pumatok talaga sa mga costumer. Hindi nya itinigil ang pagbebenta nya nito hanggang sa nakapag ipon sya at makakapagtapos na den sya ng kanyang pag aaral. Malaki ang naitulong sa kanya ng pag nenegosyo kahit studyante pa lamang tinuturuan tayo na wag sumuko sa buhay kahit na alam mong mahihirapan ka.
Sa experience nyang ito nag karoon sya ng mangilan ngilan na ideas para mas maayos nyang mahandle yung negosyo na gagawin nya. Hindi naman hadlang ang pag nenegosyo habang studyante pa lamang dahil nasa sayo naman kung pababayaan mo yung pag aaral mo habang nag nenegosyo ka o ibabalance mo pareho. Sa panahon ngayon madami ang nagiging successful na nag sisimula sa maliit na negosyo. Time management lang ang sagot para hindi maging hadlang ang pag nenegosyo sa pag aaral. So sana kahit papaano nakatulong sainyo ito.
Comments